Aabot sa 14 na mga bahay ang tinupok ng apoy makaraang tumama ang kidlat sa kawad ng kuryente sa Barangay Capoocan sa Calbayog City.
Nangyari ang insidente, bago mag alas 3:00 ng hapon ng Huwebes (June 6).
Umabot sa 3rd alarm ang sunog at 15 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng fire department sa Calbayog, tinamaan ng kidlat ang kawad na nagsusuplay ng kuryente sa isa sa mga bahay at mabilis nang kumalat ang apoy.
Pansamantalang namamalagi sa Capoocan Elementary School ang mga nawalan ng tirahan.
Tiniyak naman ni City Mayor Ronaldo P. Aquino na tutulungan ang mga biktima ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES