26 na ibinubugaw na babae nailigtas sa Antipolo

Nailigtas ang 26 na babae na ibinubugaw sa mga kliyente sa magkahiwalay na operasyon sa Antipolo, Rizal Huwebes ng gabi.

Nagsagawa ng operasyon ng Women and Children Protection Center (WCPC) ng Philippine National Police (PNP) laban sa 2 suspek na nagre-recruit ng mga babae sa social media.

Ayon kay Kimberly Ortega ng Antipolo Social Welfare and Development, 14 sa mga biktima ay menor de edad.

Sinabi naman ng ilan sa mga babae na inimbitahan lamang silang mag swimming at hindi nila alam na pambubugaw na pala ang gagawin sa kanila.

Sasailalim sa intervention program ang mga babae at kakasuhan naman ng human trafficking with exploitation ang 2 suspek.

 

Read more...