Pacquiao nagsimula na ng sparring session para sa laban kay Thurman

Screengrab of Manny Pacquiao video

Nagsimula na ng sparring session si Filipino boxing champion Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban kay Keith Thurman sa July 20.

Para sa five rounds na sparring ay nakaharap ni Pacquiao ang isang boksingerong Australiano.

Kuntento ang Team Pacquiao na naka-focus ang pambansang kamao sa ensayo at patunay nito ang magandang resulta ng sparring session.

Ayon kay Coach Buboy Fernandez, ang naka-sparring ng Senador ay kapareha ng galaw, kasing tangkad at pareho ng suntok kay Thurman.

Pagdating sa Estados Unidos ay marami pang naka-linya na sasabak sa sparring kay Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, malaking tulong ang sparring session dahil nasasanay ang magiging galaw niya pagdating ng laban nila sa ring ng undefeated American boxer.

Read more...