Trillanes sa imbestigasyon pagbaba niya sa pwesto: ‘Bring it on!’

Palabang sinabihan ni outgoing Senator Antonio Trillanes IV ang mga nagpaplanong isalang siya sa imbestigasyon na handa siyang harapin ang mga ito.

Pahayag ito ni Trillanes sa nakaambang plano ng kanyang mga kalaban na ipatawag siya sa pagdinig sa Kongreso.

Paliwanag ng Senador, bago pa mag-expire ang kanyang termino sa June 30 ay ipinahiwatig na ng mga kalaban nito sa pultika ang posibilidad na ipatawag siya sa imbestigasyon.

Sa Kapaihan sa Senado araw ng Huwebes, sinabi ni Trillanes na haharapin niya ang anumang imbestigasyon.

“Sige. Game! Bring it on! Yun ngang paninindak ni Duterte mismo, yung pinakang master nila e, hindi ako natatakot. Dito pa sa mga amuyong na ito, ‘di ba? Ay, ano na pala sila, honorable elected officials,” ani Trillanes.

Una nang sinabi ni Senator-elect Bong Go na posibleng ipatawag niya si Trillanes sa hearing ng Senado.

Nanawagan na rin si presidential son at incoming Davao Rep. Paolo Duterte na imbestigahan ang alegasyon na ang Liberal Party kabilang si Trillanes ang nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos.

Samantala, tiniyak ng Senador na sa pagtatapos ng kanyang termino ay mananatili siyang aktibong miyembro ng oposiyon.

Isinalarawan naman ni Trillanes na isang ‘wild ride’ ang kaniyang termino bilang senador.

Ibinigay umano ng mambabatas ang buong makakaya nito para matugunan nang maayos ang kaniyang trabaho.

Read more...