M3.5 na lindol naitala sa Northern Samar

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Northern Samar alas-10:15, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 50 kilometro Hilagang-Kanluran ng Pambujan.

May lalim ang pagyanig na 21 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...