LTFRB pinagpapaliwanag ang MyTaxi.Ph sa deactivation ng 8,000 Grab drivers

Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order sa MyTaxi.Ph Incorporated na nagpapatakbo sa Grab Philippines

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng LTFRB na dapat makipagpulong ang Grab Philipines sa ahensya sa araw ng Lunes, June 11, 2019.

Ito ay para ipaliwanag ang pag-deactivate sa 8,000 transport network vehicle service units nito epektibo sa June 10.

Giit ng ahensya, dapat na-deactivate na ng Grab ang mga driver na hindi nakapagsumite ng provisional authority para makapag-operate batay sa kanilang kautusan.

Hanggang araw ng Huwebes (June 6), sinabi ng ahensya na nasa 5,000 na provisional authority to operate ang hindi pa nakukuha ng mga driver.

Maliban dito, hihingan din ng paliwanag ang Grab ukol sa ulat na hindi ito nagpapatupad ng 20 porsyentong diskwento sa mga senior citizen, person with disability at estudyante.

Hindi pa naman naglalabas ang Grab ng pahayag ukol dito.

 

Read more...