Ito ay ikatlo nang sunod na linggo na may bawas-presyo sa petrolyo, pero ikalawang bigtime rollback.
Ayon sa oil industry sources, sa unang tatlong araw ng trading sa world market, aabot na sa P2.82 centavos kada litro ang ibinagsak sa presyo ng imported na gasolina.
Ang nabawas naman sa presyo ng imported na diesel ay P2.71 kada litro.
Malalaman ang pinal na halaga ng rollback batay sa resulta ng trading ngayong araw pero sigurado na umano ang malaking rollback.
Ayon pa sa isang industry insider, posibleng umabot sa hanggang P3.50 ang magiging rollback sa petrolyo.
Ang dahilan anya ng pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ay resulta ng trade war ng China at US at gusot sa pagitan ng Mexico at US.
Samantala, ilang Petro Gazz stations na sa Mandaluyong City at Silang, Cavite ang nagpatupad ng P2.00 kada litrong rollback sa diesel at gasolina bago pa man matapos ang trading ngayong araw.