Base sa report, may isang treatment center sa Quezon City na patuloy umanong nanghihingi sa PhilHealth ng dialysis payments kahit na pumanaw na ang kanilang pasyente.
Sinabi ni Zarate na maraming namamatay dahil hindi kinakaya ang mataas na bayarin para sa dialysis treatments ngunit ninanakawan lang pala sila ng mga mapagsamantalang negosyo.
Iginiit rin ng Bayan Muna na sa halip na ilaan para sa mga lehitimong pasyente ay sa bulsa ng mga negosyante napupunta ang pera ng PhilHealth.
Dahil dito, tiniyak ng grupo na isusulong nila sa pagpasok ng 18th Congress ang panukalang batas para gawing libre ang dialysis treatment sa lahat ng pasyente.