Partylist Coalition maglalabas ng napiling Speaker sa susunod na linggo

Nakatakdang maglabas ng kanilang susuportahang manok sa pagka-speaker sa 18th Congress ang partylist coalition sa mga susunod na linggo.

Ayon kay 1-Pacman Rep. Mikee Romero, pangulo ng Partylist Coalition sa loob ng dalawang linggo ay pipili na ang kanilang grupo kung sino kina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales ang mamanukin sa pagka speaker.

Samantala, sinabi naman ng miyembro na si Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat na nasa proseso pa rin sila ng deliberasyon ng pagpili ng Speaker.

Kung siya ang tatanungin nais niya ang Speaker na magsusulong ng mga karapatan ng mga magsasaka at iba pang mga isinusulong ng mga Partylists groups sa Kamara.

Tiwala din ito na kahit magkaroon man ng pagkakaiba sa nais na Speaker, nagkakaisa sila sa Partylist Coalition na bloc voting ang pairalin sa pagpili ng lider ng Kamara.

 

Read more...