Kuryente at serbisyo ng cellphone sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nona, pinababalik na

cellphone
Inquirer file photo

Ginagawan na ng paraan ng mga ahensya ng gobyerno na maibalik ang serbisyo ng kuryente at komunikasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nona.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Noynoy Aquino sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Bukod dito, pinaki-clear na rin ng NDRRMC ang mga kalsada na nahaharangan ngayon ng debris dulot ng bagyo.

Sa ngayon, masinsing sinusubaybayan ni Pangulo ang sitwasyon sa Mindoro na kasalukuyang nakararanas ng malakas na pag-ulan.

Read more...