Mga evacuees ng bagyong Nona binalaan laban sa basta-bastang pag-uwi

Herminio-Coloma-1211
Inquirer file photo

Nanawagan ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyong Nona na huwag maging pasaway sa mga opisyal ng gobyerno.

Sa harap ito ng karaniwang gawain ng mga evacuees na pag-alis sa mga evacuation center kahit walang pahintulot mula sa mga otoridad.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., dapat antabayanan ng mga apektadong residente sa mga evacuation areas kung kelan sila pwedeng bumalik sa kani-kanilang tahanan.

Sa paliwanag ni Defense Sec. Voltaire Gazmin kay Coloma, ipinapa-alam aniya ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga lokal nitong counterpart oras na mapag-alaman nito na ligtas nang umuwi.

Read more...