Alok na trabaho ni Sen. Nancy Binay tinanggihan ni Sen. Antonio Trillanes

Kuha ni Jan Escosio

Tinanggihan ni Senator Antonio Trillanes IV ang alok ni Senator Nancy Binay na maari itong magturo sa University of Makati o UMak.

Ito ang sinabi ni Trillanes kasunod ng pagkumpirma sa alok ni Binay na aniya sa kanyang palagay ay sinserong alok naman.

Dagdag pa ng outgoing na senador tatlong beses silang nakapag-usap ni Senator Binay ukol sa alok.

Ngunit sinabi ni Trillanes na sa kanyang pakiramdam ay hindi pa ganap na nakakalimutan sa Makati City ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa Senado sa mga ‘di umano’y anomalya sa mga proyekto ni dating Vice President Jejomar Binay.

Binanggit din ni Trillanes na nakapagpaliwanagan na sila ni Senator Binay hinggil sa mga pag-iimbestiga sa ama at kapatid ng senadora.

Read more...