LOOK: Bahagi ng bukana ng KCC Mall sa GenSan bumagsak

Nag-collapse ang bahagi ng entrance ng KCC Mall sa General Santos City

Ayon sa management ng mall, wala namang nasaktan sa insidente dahil nangyari ito alas 7:30 ng umaga kung saan sarado pa ang mall.

Ang bumagsak ay ang bubungan na nasa entrance ng mall malapit sa isang fast food outlet.

Sinabi ni Dr. Bong Dacera, City Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer, hindi pa alam kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng bahagi ng pader ay awning sa main facade ng mall.

Mabuti aniyang sarado pa ang mall nang mangyari ang insidente dahil ang naturang lugar ay puno lagi ng tao kapag bukas ang mall.

Sinabi naman ng KCC Mall na normal ang kanilang operasyon matapos na agad na malinis ang debris ng bumagsak na bahagi ng entrada.

Read more...