Immigration Office ng US sa Maynila isasara na mula sa susunod na buwan

Simula sa July 5, 2019 isasara na ang tanggapan ng United States Citizenship and Immigration Services (USCIS) sa Maynila.

Ang naturang hakbang ay maaring makaapekto sa pagproseso ng family visa applications, foreign adoptions at citizenship petitions.

Ayon sa USCIS, noong May 31, 2019 sila huling tumanggap ng bagong aplikasyon o petisyon.

Ang USCIS ay nag-ooperate sa ilalim ng Department of Homeland Security at mayroong 23 tanggapan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Para sa bagong instructions sa aplikasyon ng petitions at iba pang transaksyon ay maaring bumisita sa kanilang website.

https://www.uscis.gov/about-us/find-uscis-office/international-offices/philippines-uscis-manila-field-office?fbclid=IwAR0WV0NZbPIIpbhG_-neT-4HwRKGsIu1wXmd3d17Wh2WJlmKjI54m93Zj2U

 

 

Read more...