Babae arestado sa LRT-1 dahil sa bomb joke

Inaresto ang isang babaeng pasahero dahil sa joke tungkol sa bomba habang sya ay papasok ng LRT-line 1 Baclaran Station.

Kinilala ng Pasay police ang babae na si Maribeth Florentino, 23 anyos ng Sta. Quiteria Caloocan City.

Iniinspeksyon ang bag ni Florentino ng gwardyang si Erlinda Unabia nang ito ay mag-joke na may bomba sa gamit nito.

Agad dinakip si Florentino na kalaunan ay nai-turnover sa Baclaran Police Community Precinct.

Dinala sa Pasay General Hospital si Florentino para sa medical examination at pagkatapos ay inilpat sa Pasay police station para masampahan ng kaso.

Read more...