P168K na halaga ng high-grade marijuana nakumpiska sa magkapatid sa QC

Aabot sa P168,000 na halaga ng “Kush” o high-grade marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang drug suspect sa Quezon City.

Kinilala ng mga otoridad ang dalawang nadakip na suspek na sina Jason King, 46-anyos isang insurance coordinator at nakababata niyang kapatid na si Bryan, 44 anyos

Alas 5:00 ng umaga ng Huwebes (June 6) nang ikasa ng mga tauhan ng Quezon City Police District – Batasan Police Station (QCPD-PS-6) laban sa mga suspek.

Nasa 112 grams ang bigat ng Kush na nakumpiska sa kanila.

Maliban sa marijuana ay nakuha din sa mga suspek ang ginamit na marked money at kulay grey na Toyota Fortuner.

Read more...