Ayon kay outgoing Negros Occidental Rep. Albee Benitez, lider ng Visayan Bloc sa Kamara, napagkasunduan sa kanilang pagpupulong na paiiralin ang ‘bloc voting’ sa speakership.
Magiging batayan sa kanilang pagpili ng ihihirang na susunod na Speaker ay ang kakayahan na pagkaisahin ang Kamara at makakatrabaho ng maayos ng Ehekutibo.
Magkakaroon pa ng susunod na pulong ang Visayan Bloc sa Hulyo at dito ay ilalatag nila ang kanilang selection criteria para sa karapat-dapat na mahalal na Speaker ng Kamara.
Sa ngayon ay nasa 41 ang miyembro ng Visayan bloc na inaasahang lolobo sa 47 ngayong 18th Congress.
Excerpt: ayon sa Visayan bloc, magiging batayan sa pagpili ang kakayahan na pagkaisahin ang Kamara at makakatrabaho ng maayos ng ehekutibo.