Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, ngayong inatasan na sila ng Malakanyang na habulin ang naturang halaga ay kagyat na silang aaksiyon para sa imbestigasyon.
Posible rin aniya na makipag-ugnayan sila sa tanggapan ng Ombudsman para sa bubuuing pagsisiyasat.
Paliwanag ng kalihim, lahat ng mga reklamo o katiwalian laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno, ang ombudsman ang siyang may mandato para gumawa ng kaukulang imbestigayson
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipauubaya na nila sa DOJ ang paghahabol sa nasabing halaga.
MOST READ
LATEST STORIES