Maliban sa mga bangkay, umabot sa 11 tonelada ng basura ang nahakot mula sa pinakamataas na bundok sa mundo.
Ayon sa mga Nepali climbers na nangunguna sa clean-up drive, ang mga basurang nahakot nla ay kinabibilangan ng mga bote, sirang tent, lubid, sirang hagdan, lata at plastic wrappers.
Ang apat na nakitang bangkay ay kabilang sa nasa 300 katao na nasawi sa nagdaang mga taon habang umaakyat sa Everest.
Natabunan sila ng snow sa nakalipas na mga winter kaya hindi agad natagpuan.
Ang clean-up team ay nakakulekta ng 5 tonnes ng basura noong April at May mula sa iba’t ibang camp sites na nasa itaas ng base camp habang 6 tonnes naman na basura ang nakuha sa ibaba ng base camp.