LOOK: Catriona Gray at Pia Wurtzbach muling nagsama sa charity gala

Muling nagsama ang dalawang Filipina Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Sa kani-kanilang Instagram ay ibinahagi nina Gray at Wurtzbach ang kanilang mga larawan sa Binibining Pilipinas Fashion Charity Gala.

Ayon sa 2015 Miss Universe na si Pia, malaking tagumpay ang charity gala.

Nagbigay din ito ng welcome message para sa reigning Miss Universe na si Catriona.

Nakilala rin ng dalawang beauty queens ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas sa taong ito.

Balik bansa si Gray para sa nakatakdang Binibining Pilipinas 2019 coronation night sa Linggo June 9 kung kailan ipapasa niya ang kanyang korona bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

 

Read more...