Lalaki arestado matapos makuhaan ng P120,000 halaga ng marijuana sa Pasig

Timbog ang isang drug personality sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Palatiw, Pasig City.

Nabilhan ng poseur buyer ng marijuana ang suspek na nakilalang si Edgardo Bernardino.

Nakuha mula sa suspek ang isang bloke at mga nakaplastic na pinatuyong dahoon ng marijuana na may bigat na halos 1,000 gramo.

Dahil dito, sasampahan si Bernardino ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...