Sotto mananatiling Senate President sa 18th Congress

Mismong si Senate President Vicente Sotto III ang nagsabi na nakuha na niya ang suporta ng mayorya para mapanitili ang kanyang pwesto sa susunod na Kongreso.

Matapos ang dinner sa bahay ni Senator Manny Pacquiao, naniniwala si Sotto na suportado siya ng karamihan ng mga kapwa senador para manatiling Senate President.

Ayon kay Sotto, naayos na ang 95 percent ng mga magiging chairmen ng komite sa 18th Congress.

Mas kumpyansa namang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagdeklara na tuloy ang pamumuno ni Sotto sa Senado sa susunod na Kogreso.

Ayon kay Zubiri, si Sotto pa rin ang magiging Senate President sa susunod na 18th Congress.

Umaasa naman si Zubri na mapapanatili rin nila ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang kani-kanilang pwesto.

 

Read more...