Pangulong Duterte posibleng pangunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Lapu-Lapu City, Cebu

Posibleng dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lapu-Lapu City, Cebu sa susunod na linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Rene Escalante, chairman ng National Historical Commission on the Philippines (NHCP), inaasahan ang pagdalo ng pangulo Sa selebrasyon ng ika-131 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa sa Liberty Shrine sa bahagi ng Barangay Mactan sa araw ng Miyerkules, June 12.

Aniya, nagpadala ng imbitasyon sa Punong Ehekutibo na dumalo sa Kalayaan n2019 Independence Day program sa nasabing petsa.

Gayunman, hinihintay pa aniya ang kumpirmasyon mula sa Office of the President.

Ayon kay Escalante, pinili na isagawa ang programa sa Mactan para gunitain ang pakikipaglaban ni Lapu-Lapu para sa bansa.

Maliban sa Lapu-Lapu City, magsasagawa rin aniya ang flag raising ceremony sa Luneta sa Maynila, Kawit sa Cavite at sa Malolos, Bulacan.

Read more...