LOOK: Ilang senador, magkakasamang naghapunan sa bahay ni Manny Pacquiao

Magkakasamang naghapunan ang ilang senador sa bahay ni Senador Manny Pacquiao sa bahagi ng Forbes Park sa Makati City, Miyerkules ng gabi (June 5).

Sa Twitter, nag-post si Pacquiao ng larawan ng kanilang hapunan.

Makikitang present sa hapunan sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Rectp at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Kasama rin ang iba pang senador na sina Grace Poe, Sonny Angara, Nancy Binay, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian at maging sina outgoing Senators Gringo Honasan at Loren Legarda.

Maliban dito, nasa hapunan din ang mga bagong senador na sina Imee Marcos, Francis Tolentino, Christopher “Bong” Go at Ronald “Bato” Dela Rosa.

Present din ang nagbabalik bilang senador na sina Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Nagtipon ang mga senador kasunod ng mga lumalabas na ulat na nagkakaroon ng tensyon sa Senado ukol sa Senate leadership.

Read more...