Pagdiriwang ng Eid’l Fitr, mapayapa – PNP

‘Generally peaceful’ ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr o pagtatapos ng Ramadan sa araw ng Miyerkules (June 5).

Ayon sa Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), walang napaulat na untoward incident sa pagdaraos ng Eid’l Fitr.

Mananatili aniyang nakaantabay ang mga pulis para maiwasan ang anumang krimen at agad makaresponde sa anumang sitwasyon.

Sa tala ng Ermita Police Station ng Manila Police District (MPD), umabot sa 9,500 na Filipino Muslim ang nakiisa sa programang “Eidl-Al-Fitr to the Fullest” sa Quirino Granstand.

Bandang 2:00, Miyerkules ng madaling-araw, nang nagsimulang magtipun-tipon ang mg Muslim sa nasabing lugar para ipagdiwang ang pagtatapos ng Ramadan.

Read more...