Speaker GMA, umani ng papuri sa mga kapwa-mambabatas

Pinapurihan ng kanyang mga kapwa-mambabatas sa 17th Congress si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa House Resolution Number 2600 na inihain nina Majority Leader Fredenil Castro at Minority Leader Danilo Suarez, sinabi ng mga ito ang “remarkable” at “efficient” na liderato ni Arroyo sa third regular session.

Sinabi ni Castro na isa si Arroyo sa mga pinakamahusay sa larangan ng pulitika at akademiko pero ang mga nakamit at napagtagumpayan ng Kamara sa ilalim kanyang liderato ay dahil sa pagtutulungan ng lahat.

Inilarawan rin niya ang dating pangulo bilang istriktong boss kung saan pinipiga nito ang bawat kongresista, opisyal o staff ngunit mapagbigay at kumikilala naman ng trabaho.

Idinagdag naman ni Suarez na hindi na nakakagulat ang pagiging masipag ni Arroyo na nagresulta sa napakaraming priority legislative measures na naaprubahan lalo’t nanilbihan rin ito bilang pangulo ng Pilipinas.

Read more...