Timbog ang walong drug suspect sa ginawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.
Ayon sa Caloocan police Station Drug Enforcement Unit, ginawa ang nasabing operasyon sa Barangay 176 Bagong Silang at Barangay 175, Camarin, Caloocan City, Miyerkules ng madaling-araw (June 5).
Unang inaresto bandang 4:30 sina Sonny Tadeo Galanta, 47-anyos, at Wilmore Tapales Flores, 42-anyos.
Bandang 5:10 ng umaga, nahuli naman sina Ronald Escarcha Pestilos, 40-anyos; Mark Anol Robles, 30-anyos; Jhon Carl Ledesma, 29-anyos; Bobet Alita Peñaranda, 47-anyos; Roberto Uy Delmiguez, 39-anyos at Jasper Cubay Castro, 29-anyos.
Nakuha sa mga suspek ang pitong piraso na maliliit na selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. P400 na buy-bust money, isang P100 bill at ilang drug paraphernalia.
Nakakulong ang mga suspek sa Caloocan Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.