Unang naaresto si Reynan Bernardo, 21-anyos na fruit vendor na nakuhanan pa ng P2,500 na halaga ng shabu sa buy bust operation martes ng madaling araw sa Barangay Sinunuc.
Sa isa pang buy bust operation naaresto naman si Nof Paner Patangan, 22-anyos na bar entertainer sa Purok Kalambuan, Barangay Sta. Filomena, Diplog City.
Nakuhanan si Patangan ng P70,000 na halaga ng shabu na nakalagay sa dalawang malaking plastic sachets kasama ang P500 na marked money, isang shoulder bag at isang cellular phone.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES