Joke ni Sen. Lacson: Trillanes inalok ni Sen. Binay ng libreng libing sa Makati Cemetery

Idinaos na ang paalaman kahapon sa Senado para sa mga paalis nang senador.

Isa si Senator Antonio Trillanes IV sa mga ‘graduating senators’ o tapos na ang termino.

Sa pagsasama-sama kahapon, nagpaalam ang mga senador sa mga ‘graduating senator’ at isa-isang niyakap ang mga paalis na.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, “the best” ang camaraderie sa 17th Congress.

Nagbiro pa si Lacson sa kaniyang tweet na bilang patunay sa camaraderie ng mga senador, may mga alok si Senator Nancy Binay kay Trillanes.

Kabilang aniya dito ang teaching job sa University of Makatina may 24 na libreng parking sa Makati Parking lot.

Libreng admission sa Ospital ng Makati at libreng libing sa Makati cemetery.

Sa text message kay Lacson, kinupirma nito sa Inquirer.net na totoong inalok ni Binay ng teaching job si Trillanes at libreng pagpapa-ospital.

Idinagdag na lang umano niya ang libreng parking at ang libreng libing.

Magugunitang sina Trillanes at dating Sen. Alan Cayetano ang nag-initiate noon ng imbestigasyon laban kay dating vice President Jejomar Binay at kay Junjun Binay kaugnay overpriced na Makati Parking Building.

Read more...