Pangulong Duterte hinimok ang Muslim Filipinos na manatiling katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Muslim Filipino na maging instrumento ng pagmamahal, sakripisyo, respeto at selfless na pagseserbisyo.

Sa kaniyang mensahe para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, nanawagan din ang pangulo sa mga Muslim na manatiling katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan.

Sinabi rin ng pangulo na magsilbing pagkakataon sana ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr upang makapag-reflect ang lahat ng Muslim Filipinos.

“May all Muslim Filipinos observe this day as a time for reflection, enlightenment and renewal of commitment to a much stronger devotion to the Almighty,” ayon sa mensahe ng pangulo.

Sa huli sinabi ng pangulo na hiling niya ang makabuluhan at puno ng inspirasyon na selebrasyon ng Eid’l Fitr.

Read more...