Cardema hindi pa makakaupo bilang Duterte Youth representative – Guanzon

NYC Chair Ronald Cardema
Nilinaw ni Commission on Elections o Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi pa makakaupo si Ronald Cardema bilang representative ng Duterte Youth Party-list sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Paliwanag ni Guazon, hangga’t hindi nareresolba ng Comelec ang disqualification petition laban kay Cardema, walang uupong kinatawan ng Duterte Youth sa Kamara.

Pagtatama pa ni Guazon, ang application for substitution ni Cardema ay binigyan ng “due course”, pero hindi pa deklaradong substitute.

Hindi pa aniya “granted” ang substitution ni Cardema dahil may pending petition o opposition pa laban sa ground na lagpas 30-anyos na si Cardema at hindi uubrang maging kinatawan ng youth sector party-list.

Sinabi ni Guanzon na may itatakdang hearing para sa oposisyon sa substitution ni Cardema, at hintayin na lamang ang anunsyo.

Si Guanzon ay nag-dissent o bumoto kontra sa substitution ni Cardema dahil overaged na ito para maging kongresista ng isang youth party-list at bigong mag-file o maghain ng dokumento sa tamang panahon.

Read more...