Pumalo sa 3.2 percent ang naitalang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo para sa katatapos na buwan ng Mayo 2019.
May bahagya itong pagtaas kumpara sa 3.0 percent lamang na naitala noong April 2019.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pangunahing nag-ambag sa inflation ngayong buwan ay ang 3.4 percent na dagdag sa food at non-alcoholic beverages at 3.3 percent na pagtaas ng halaga ng tubig, kuryente, gasolina at iba pang produktong petrolyo.
Sa NCR nakapagtala ng 3.4 percent na inflation habang 3.1 percent naman sa mga lugar na nasa labas ng NCR.
MOST READ
LATEST STORIES