Mga batang posibleng nasawi sa Dengvaxia na nasuri ng PAO umabot na sa 136

Umabot na sa 136 na mga bata ang naisailaim sa otopsiya ng Public Attorneys Office (PAO) na pawang may posibilidad na nasawi sa Dengvaxia.

Isinailalim ng PAO sa autopsy ang mga labi ng batang si Justine S. Paule, 13 anyos.

Ayon sa PAO, gaya ng mga ibang batang hinihinalang nasawi dahil sa Dengvaxia, si Paule ay nakitaan din ng parehong sintomas.

Nasawi siya dahil sa brain at lung bleeding isang buwan matapos na magsimula niyang maranasan ang senyales ng epekto ng bakuna.

Si Paule ay tatlong beses nabakunahan ng Dengvaxia.

Read more...