Tatlong player ng Golden State Warriors posibleng hindi makapaglaro sa Game 3 ng NBA finals

Posibleng hindi makapaglaro ang tatlong player ng Golden State Warriors sa pagharap nito sa Toronto Raptors sa Game 3 ng NBA finals sa Miyerkules o Huwebes ng umaga dito sa Pilipinas.

Itoy base sa update ni Coach Steve Kerr isang araw bago ang Game 3 na gaganapin sa Oracle Arena.

Ayon kay Kerr, nakitaan ng “mild left hamstring” ang kanilang guard na si Klay Thompson matapos sumailalim sa MRI exams.

Si Kevon Looney naman ay may fracture sa cartilage ng kanyang dibdib matapos sumailalim sa pagsusuri.

Samantala, ang isa pang pambato ng Warriors na si Kevin Durant ay halos isang buwan ng nakapahinga dahil sa knee injury.

Pero ayon kay Kerr hindi pa handang magbalik sa laro si Durant lalo’t hindi ito nakakasama sa kanilang practice.

Ang Warriors at Raptors ay kapwa may tig-isang panalo.

Read more...