Rihanna itinanghal na richest female musician sa buong mundo

AP Photo

Itinanghal ng Forbes bilang pinakamayamang babaeng musician sa buong mundo ang singer na si Rihanna.

Nasa $600 million ang kabuuang yaman ni Rihanna na maliban sa kita niya bilang singer ay mula din sa kaniyang mga negosyo ng makeup at lingerie.

Nahigitan na ng 31 anyos na si Rihanna o Robyn Rihanna Fenty sa totoong buhay ang halaga ng yaman nina Madonna ($570 million), Celine Dion ($450 million) at Beyonce ($400 million).

Mayorya ng kita ni Rihanna ay mula sa kaniyang tours at musical releases ayon sa Forbes.

Pero malaki na rina ng kita niya bilang co-owner ng Savage X Fenty lingerie line.

Ngayong taon, nakatakdang maglabas ng bagong reggae album ang singer.

Read more...