Northern Samar, Surigao Del Sur at Davao Occidental niyanig ng lindol

Unang niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 50 kilometers Norteast sa bayan ng Biri, ala-1:05 umaga ng Miyerkules (June 5) at may lalim na 14 kilometers.

Sumunod naman na niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur alas-3:06 ng umaga.

Naitala ang pagyanig sa 114 kilometers Northeast sa bayan ng Hinatuan at may lalim na 33 kilometers

At magnitude 3.6 na lindol naman ang yumanig sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naitala ang pagyanig sa 281 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani ala-6:05 ng umaga at may lalim na 11 kilometers.

Tectonic ang origin ng tatlong pagyanig at wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...