Matteo Guidicelli sinimulan na ang kaniyang training bilang scout ranger

Hinarap ni Matteo Guidicelli ang hirap sa pormal na pagsisimula ng kaniyang training bilang scout ranger.

Nag-umpisa na ang Scout Ranger Orientation Course class ni Matteo kasama ang higit isangdaang trainee.

Sa unang araw ay sumalang sa apat na oras na reception si Matteo sa Camp Tecson sa Bulacan.

Dumaan si Matteo sa non-stop exercise kung saan layong masubok ang determinasyon ng mga trainee.

Sa post sa Facebook page na Scout Ranger Combat Leadership bakas sa mukha ni Matteo ang hirap habang nasa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Nakasaad din sa post na marami ang bumibigay sa nasabing training pero nagpatuloy si Matteo.

Read more...