2 patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Maynila

Dead-on-the-spot ang isang lalaki at isang babae makaraang pagbabarilin sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Puno, 41 anyos at Shirly Ebora, 35 anyos na magkaangkas sa motorsiklo nang maganap ang krimen.

Ayon sa pulisya, binabaybay ng dalawa ang Elliptical Road patungong Delpan nang tambangan ng riding in tandem.

Magkaibigan ang dalawa at tagahatid umano ni Ebora si Puno sa kanyang mga pinupuntahan gamit ang motorsiklo.

Nakuhaan ng P30,000 na pera si Puno na sinasabing pagpapautang ang sideline.

Palaisipan sa pamilya ngayon sa pamilya ng mga biktima dahil wala umanong kaaway ang mga ito.

Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod nito.

Read more...