Lalaki arestado matapos makuhanan ng baril at droga sa Maynila

Timbog ang isang lalaki makaraang makuhanan ng iligal na droga at baril sa Brgy. 112, Tondo, Maynila, madaling-araw ng Miyerkules.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa lamang sila ng anti-criminality and law enforcement operations nang maaresto ang suspek.

Nakilala ang suspek na si John Joseph Laguna, 28 anyos, residente ng lugar at nasa drug watchlist.

Nakuhaan si Laguna ng kalibre .38 na revolver na may lamang limang bala at nasabat din mula rito ang limang medium plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000.

Mahaharap ngayon ito sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at BP 881 o Omnibus Election Code.

Read more...