Tatlong drug suspects patay makaraang manlaban umano sa mga pulis sa Navotas

Patay ang tatlong drug suspects makaraang manlaban sa mga pulis na nagkasa ng operasyon sa Navotas City.

Nangyari ang insidente sa Agora Market sa Barangay NBBS.

Ayon sa Navotas Police, target ng kanilang buy-bust operation ang apat na hinihinalang drug pusher sa lugar makaraang makatanggap ng impormasyon na nagtutulak ng ilegal na droga ang mga ito.

Nang magpositibo ang transaksyon at aarestuhin na ang nanlaban ang mga suspek at nagpapaputok ng baril.

Agad namang gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng tatlo habang ang isa pang suspek ay nakatakas.

Patuloy ngayong pinaghahanap ang nakatakas na drug suspect.

Read more...