Karne ng baboy na kontaminado ng ASF nasabat sa Subic

Inquirer file photo

Nasabat ang nasa anim na raang libong pisong halaga ng karne ng baboy na kontaminado ng African Swine Fever (ASF) sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City.

Ayon kay Jerome Martinez, manager ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Seaport Department, dumating ang mga karne ng baboy na lulan ng isang van sa MV Hansa Altenburg sa Subic noong May 27.

Aniya, idineklara itong naglalaman ng 2,385 na package ng umano’y ‘food items’ para sa isang trading firm sa Makati City.

Nagmula ang mga karne ng baboy sa Guangzhou sa China.

Ayon naman kay Atty. Wilma Eisma, chair at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ininspeksyon ng quarantine officer mula sa Department of Agriculture (DA) ang mga karne ng baboy.

Dahil dito, agad itong kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).

Nakatakda aniyang sirain ang mga karne ng baboy batay sa rekomendasyon ng Bureau of Quarantine Services.

Read more...