Nagsagawa ng Kilos Protesta sa Department of Justice (DOJ) ang mga miyembro ng militanteng grupo na Kilusang Mayo Uno (KMU).
Hirit ng grupo ang pagpapalaya sa kanilang origanizer na si Marklen Maojo Maga na nahatulang guilty sa kasong illegal possession of firearm and ammunition ng San Mateo Rizal Regional Trial Court (RTC).
Sa naging desisyon ni San Mateo RTC Branch 76 Presiding Judge Josephine Fernandez, hinatulang makulong ng hanggang 14 taon si Maga.
Nabatid na si Maga ay manugang ng nakakulong na ring si Rafael Baylosis na consultant naman ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Ayon sa KMU, gawa-gawa lang ang kaso laban kay Maga.
Dinakip si Maga sa San Mateo, Rizal, noong Feb. 22, 2018, dahil sa pagkakasangkot umano sa pagpatay sa isang sundalo noong Marso 2017.
Nang siya ay arestuhin ay nakuhanan siya ng caliber 45 pistol na may mga bala.
Pero ayon kay Maga, planted ang ebidensya at hindi kaniya ang nakuhang baril.