Working visa ng mahigit 500 dayuhan kinansela ng BI

Aabot sa kabuuang 528 na working visas ng mga dayuhan ang kinansela ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng ikinasang “massive” audit sa visa applications ng anim na mga kumpanya.

Nadiskubre kasi ng BI na nagsumite ng pekeng Alien Employment Permits ang mga sangkot na kumpanya.

Tumanggi muna si Immigration chief Jaime Morente na tukuyin ang mga kumpanyang ito dahil iniimbestigahan pa ang kanilang sister companies.

Pero ang mga kumpanya ay mula sa Manyila, Parañaque, Caloocan, at sangkot sa consultancy, residential sales, tutorial, at information technology.

Sa 528 na mga dayuhang apektado 259 dito ay Indians, 230 ang Chinese, 14 ang Koreans, 11 ang Japanese, 5 ang Taiwanese, 3 ang Vietnamese, at tig-iisang German, Burmese, Nigerian, Nepalese, Sudanese, at Yemeni.

Mahaharap umano sa paglabag sa Philippine Immigration Act ang mga dayuhan at sila ay ipatatapon palabas ng bansa at isasailalim na sa blacklist.

Read more...