Tambalang JaDine bibida sa remake ng Korean film na “Spellbound”

Magbabalik tambalan sa big screen ang tambalang Kames Reid at Nadine Lustre.

Bibida ang dalawa sa remake ng Korean film na “Spellbound”.

Ang Viva Entertainment ang nag-anunsyo ng balita sa kanilang official website.

Magugunitang kahapon lang inanunsyo ang pag-atras ni James sa pagganap bilang Pedro Penduko dahil sa umano ay spine injury nito.

Ang “Spellbound” ay 2011 horror at romantic comedy film sa Korea na pinagbidahan nina Son Ye-jin at Lee Min-ki.

Ito ang magiging unang comeback project ng JaDine matapos ang pelikulang “Never Not Love You” noong March 2018.

 

Read more...