Pinakamahabang araw mararanasan sa June 21 – PAGASA

AP Photo/Mahesh Kumar A.

Mararanasan sa bansa ang pinakamahabang araw ngayong taon at ito ay magaganap sa June 21.

Ayon sa PAGASA, base sa kanilang astronomical diary, ang summer solstice ay natapat ng June 21 alas 11:54 ng gabi.

Ang daytime para sa naturang petsa ay tatagal ng labingdalawang oras at limapu’t siyam na minuto.

Sisikat ang araw ng alas 5:28 ng umaga at lulubog alas 6:27 ng gabi.

Read more...