Public interview sa mga nominado para maging susunod na associate justice ng SC itinakda ng JBC

tinakda na ng Judicial and Bar Council ang public interview sa mga nominado para maging susunod na associate justice ng Korte Suprema.

Ito ay para sa mababakanteng pwesto sa nakatakdang pagreretiro ni Justice Mariano Del Castillo sa July 29, 2019.

Tatlong araw ang itinakdang public interview ng JBC na magaganap sa umaga at hapon ng June 21, June 25 at June 26.

24 na mga nominado ang nakatakdang isalang sa public interview batay sa itinakdang schedule ng JBC.

Binigyan din ng hanggang June 11, 2019 ang publiko para magsumite ng opposition kung may pagtutol sila sa mga nominado.

Read more...