Yellow alert itinaas sa Luzon Grid ngayong araw, June 4

Muling isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid.

Sa abiso ng Meralco, ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw ng Martes, June 4.

Nangangahulugan ito ayon sa Meralco na manipis pa rin ang reserba ng kuryente sa Luzon.

Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational brownout sa kasagsagan ng yellow alert.

Pero pinaghahanda na ng Meralco ang mga korporasyon at commercial establishments na kasapi ng kanilang Interruptible Load Program (ILP) sakaling kailanganin na gumamit muna sila ng generator sets para maiwasan ang brownout.

Ang mga nasa bahay naman ay pinayuhang magtipid-tipid sa paggamit ng kuryente.

Read more...