Habambuhay na kulong sa ‘bank hackers’ aprubado na sa Senado

Aprubado na sa Senado ang panukala na magdedeklarang isang uri ng pananabotahe sa ekonomiya ang pag-hack sa bank systems.

Sinabi ni Sen. Chiz Escudero, chairman ng Committee on Banks, layon ng panukala na mabigyan ng ngipin ang Republic Act 8484 o ang Access Devices Regulations Act of 1998.

Aniya kapag naging batas, ang mapapapatunayang lumabag ay maaring makulong ng habambuhay at pagmumultahin ng hanggang P5 milyon.

Paliwanag ni Escudero, inaprubahan ang panukala bunsod ng mga financial fraud at iba pang krimen na ginagamitan ng mga makabagong electronic devices and gadgets.

Napalawig ang batas at sinakop na nito ang ATM fraud sa pamamagitan ng skimming, hacking of the banking system at pamemeke ng mga credit at debit cards.

Ang panukala ay nagmula sa Mababang Kapulungan at wala nang pag-amyenda nang itulak na ito sa Senado.

Read more...