Buong Mindanao apektado ng ITCZ – PAGASA

Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang buong Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ang SOCCSKSARGEN, ARMM, Zamboanga Peninsula, Western Visayas at Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag–ulan.

Paalala ng PAGASA, maaring magdulot ng flash floods o landslides ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

Samantala, sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang papawirin.

Makararanas lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Read more...