Iba pang kumpanya ng langis may rollback ngayong Martes

Nag-anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Epektibong ngayong araw ng Martes June 4 may bawas ang Shell, PTT, Seaoil at Total na P1.70 sa kada litro ang gasolina, P1.05 sa kada litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

Sumunod naman sa Phoenix na may mataas na bawas presyo ang Petro Gazz na nasa P1.75 kada litro ng gasolina at P1.05 kada litro ng diesel ang rollback.

Mula January 1 hanggang June 4, pitong beses nang nagpatupad ng tapyas sa presyo ng petrolyo habang 14 beses naman ang oil price increase.

Pero matapos ang 2 linggong rollback, pumapatak sa sumusunod ang net increase: P8.74 hanggang P8.79 kada litro sa gasolina; P6.94 kada litro sa diesel at P3.67 kada litro sa kerosene.

Ayon sa industry analysts, pababa ang presyo ng petrolyo sa world market bilang paghahanda sa mababang demand dahil sa trade war sa pagitan ng US at China.

 

Read more...